BMW Motorrad bumida noong 2K11

MUNICH, GERMANY — Mukhang hindi yata gaanong apektado ng kinakaharap na financial crisis ng buong Europa ang German luxury car and motorcycle manufacturer na BMW. Nito lamang pagpasok ng bagong taon ay ini-report ng kompanya na nakamit nila ang pinakamataas na sales record ng kanilang bikes/motorcycle units magmula nang itatag nila ang BMW Motorrad, o ang motorcycle department ng BMW noong 1921.

Tinalo ng kanilang 2011 worldwide bike/motorcycle sales record na umabot sa 104, 286 units ang sales record nito noong 2007 na 102, 467.

Ayon sa BMW, steady ang pagtaas ng kanilang unit sales buwan-buwan noong nakaraang taon, at sa katunayan, nito lamang Disyembre ay umabot sa 12. 4% ang kanilang growth factor.

Dito sa Pilipinas, nanatiling de-kalidad ang mga motorsiklo nang BMW at pag sinabing naka-BMW bike ka, iba na ang dating nito sa mga tao. Pangalan pa lang, nakakasindak na.

Ang BMW ay kilala rin bilang isa sa mga premyadong luxury motorcycle at car brand sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply