Bobcats dinagit ng Hawks

DINAGIT ng Atlanta Hawks ang pang-limang sunod na kabiguan ng Charlotte Bobcats matapos ang 111-81 panalo ng una sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Lumipad ng 30 puntos, 13 rebounds at three assists si Josh Smith upang ilista ang 8-4 win-loss card sa Southeast division ng Eastern Conference habang laglag sa 2-9 record ang kagrupong Bobcats.

Nag-ambag din si Hawks point guard Joe Johnson ng 23 points, walong assists at pitong boards habang si Jeff Teague ay nagtala ng 16 pts., seven assists at six rebounds.

We have to take ownership,” ani Johnson, “at both ends of the court, we all understand that we have to step our games up in some respect,” “It was a great team effort, collectively, around the room. Everybody stepped up and did something to make an impact on the game. We’re going to need that from here on out.”

Hindi sapat ang ipinakitang laro ni Bobcats center Byron Mullens kahit gumawa pa ito ng 21 puntos at apat na boards.

Samantala, sinilat ng Memphis Grizzlies ang New York Knicks, 94-83, habang tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Phoenix Suns, 101-90.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply