Bokal, konsehal gagawaran ng civil service eligibility

PINURI ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV si Pangulong Benigno ”PNoy” Aquino III sa paglagda nito sa batas na naggagawad ng civil service eligibility sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Sangguniang Panglungsod at Sangguniang Panglalawigan.

“I laud President Aquino for signing this bill into law. It is our shared interest to advance the welfare of our local legislators,” ani Trillanes.

Sa ilalim ng Republic Act 10156 na nilagdaan ng Pangulo kamakailan, ginagawaran ng Career Service Professional Eligibility ang mga konsehal at board member na nakapagsilbi ng siyam na taon at nakapagtapos ng kahit anong baccalaureate degree.

“The very important role the members of our local legislative bodies play in their respective local government units as well as in their larger communities clearly entitles them to the conferment of this affirmative entitlement, honor and privilege,” ayon kay Trillanes na siyang pangunahing isponsor ng naturang batas.

Nakasaad din sa batas na ang mga miyembro Sanggunian na nakapagsilbi na ng anim na taon o higit pa at may hindi bababa sa 72 units sa kolehiyo ay gagawaran naman ng Career Service Sub-Professional Eligibility.

“This legislative measure is of particular interest and enjoys the unqualified support of the Philippine Councilors League, the nationwide association of the 16,000-strong city and municipal councilors which considers the measure a legacy bill,” dagdag pa ni Trillanes,pinuno ng  Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply