Bomb disposal sa Taguig blast ‘di awtorisado

MAHAHARAP sa imbestigasyon ang pulis na nasugatan at nakaligtas sa bombang sumabog sa Taguig kahapon ng hapon dahil lumalabas na ang nabanggit na operasyon ay hindi awtorisado.

Ayon kay Director Catalino Uy, hepe ng PNP-SAF, tatlo sa kanyang mga tauhan ang kasama sa insidente kung saan dalawa ang namatay at isa ang nasaktan na kinilalang si PO2 Arnold Mayo, 39, nagtamo ng second degree burn sa mukha.

“Hindi authorized ang ginawa nila… bahagi na ginagawa namin, ang liability ng nag-survive. Ang namatay wala tayong magawa roon, ang nag-survive may liability sa participation,” ani Uy.

Napag-alaman sa imbestigasyon na dinala ng tatlong tauhan ng SAF ang bomba sa isang iron works shop kung saan sumabog matapos gamitan ng welding machine.

Sinabi rin ni Uy na SOP  sa awtoridad na siguruhin ang kaligtasan ng isang lugar bago i-defuse ang isang bomba. Subalit dinala ng mga biktima ang nasabing bomba sa isang lugar na matao kaya marami ang nadamay sa pagsabog.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply