Boosters umangat kontra Texters

MULING maghaharap ang Powerade Tigers at ang Rain Or Shine Elasto Painters sa pagpapatuloy ng laro ng PBA Philippine Cup best-of-7 semifinal series sa Smart Araneta Coliseum Martes ng gabi.

Angat ang Powerade Tigers 2-1 kapantay ng Petron Blaze Boosters na nanalo Lunes ng gabi sa Tropang Texters sa iskor na 95-93 sa kabayanihan ni Alex Cabagnot nang pumuntos ng isang triple habang 12.9 seconds ang nalalabi sa laro tungo sa pagkumpleto ng nakagugulat na fightback mula sa 20-point na pagkakalubog sa first half ng laro.

Humanga si Boosters coach Ato Agustin sa tiyaga ng kanyang mga player hanggang makipagsabayan sa pangkat ni Chot Reyes. Tinanghal na top scorer sa muling pagkakataon si Arwind Santos sa kanyang 25 points na sinundan nina Denok Miranda (20), Danny Ildefonso (13) habang si Chris Lutz ay gumawa ng 11 puntos sa kanilang paghahabol.

Si Alex Cabagnot na nakapuntos lang ng 12 ay muling tinanghal na tagasagip sa Petron nang maibuslo ang winning basket sa assist ni Ildefonso. Bukod sa 12 puntos, nakawalong assist din, limang rebounds, isang steal at isang block si Cabagnot sa loob ng 35 minuto niyang pamamalagi sa playing court.

Sa laro ng mga dehado sisikapin ng Powerade Tigers na makuha ang kalamangang 3-1 kontra sa Elasto Painters ni coach Yeng Guiao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply