Boosters ungos sa Tropang Texters

MULING pinatunayan ni two-time Most Valuable Player na si Danny “Lakay” Ildefonso na hindi pa siya laos nang akayin niya sa panalo ang Petron Blaze Boosters, 85-82, kontra defending champion Tropang Texters kagabi (Enero 11) sa Smart Araneta Coliseum.

Isang jumper sa gilid ang pinakawalan ni Ildefonso para ihatid ang kalamangan sa Boosters, 81-80, 55.7 segundo ang nalalabi sa laro. Bunga ng panalo, angat ang tropa ni coach Ato Agustin sa serye, 3-1, sa 7-game semifinal series ng PBA Philippine Cup.

Tinanghal din sa pangalawang pagkakataon si Ildefonso na best player of the game sa ipinukol niyang 22 puntos.

Nagpakita naman ng katatagan si former Smart Gilas guard Chris Lutz nang walang kabang naibuslo niya ang huling dalawang free throws na naghatid sa 85-82 ultimo abante.

Makalawang beses na tumira ang mga shooter ng Tropang Texters sa huling nalalabing segundo subalit pawang sablay ang kanilang pagtatangka sa kalungkutan ni coach Chot Reyes.

Balik-laro sa Linggo ang double-header sa Big Dome sa laban ng Rain Or Shine Elasto Painters at ng Powerade Tigers na kapwa 2-2 win-loss slate na susundan ng laban ng Tropang Texters at ng Boosters kung saan inaasahang wawakasan na ng tropa ni coach Agustin ang kanilang serye. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply