Boracay pumangalawa sa pinakamagandang beach sa mundo

ITINANGHAL ng isang travel website bilang pangalawang pinakamagandang beach destination sa buong mundo at nangunguna pa rin sa Asya ang Isla ng Boracay sa Aklan.

Batay sa TripAdvisor, hindi matatwaran ang ganda ng Boracay kung ihahambing sa maraming beach sa buong mundo kahit na maliit lamang ito.

“At only 4.5 miles long, Boracay is small enough to navigate by rented bicycle or motorbike. But don’t let its small size fool you — you’ll have several excellent beaches to choose from,” nakasaad sa website ng TripAdvisor.

Ang Isla ng Providenciales sa Turks and Caicos, ang itinanghal na pinakamaganda batay pa rin sa nabanggit na website.

Sa kabilang dako, pasok din sa listahan ang summer capital of the Philippines, ang Baguio City sa Best Destinations in Asia.

Nasa ika-22 ang Baguio City na nilarawang mayroong world-class golf course at malamig na klima.

Nanguna naman sa website bilang Best Destination in Asia ang Hong Kong.

Pasok din ang Dave’s Straw Hat Inn sa Boracay at Padre Burgos Castle Resort sa Southern Leyte na kinilala bilang top hotels for service in Asia.

Pang-14 ang Dave’s Straw habang pang-18 naman ang Padre Burgos.

Kasali rin ang Alegre Beach Resort sa Cebu sa top 25 all-inclusive resorts sa Asya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply