‘Bourne Legacy’ nagsimula na

NAGSIMULA na ang paguo-shoot ng mga eksena ng foreign movie na “Bourne Lagacy” sa bahagi ng Leveriza st., San Andres, Malate, Maynila ngayong umaga.

Hindi pa man sumisikat ang liwanag ay marami na rin ang nag-aabang upang masilayan ang kanilang hinahangaang mga foreign artist at iba naman ay nanganagarap na makasama kahit extra lamang sa pelikula at walang kaukulang bayad.

Kaugnay nito, inilatag naman ang seguridad para sa naysaying international production kung saan binuo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Bourne.

Katuwang ng MMDA ang Manila Police District sa pagsasaayos ng crowd control at traffic rerouting.

Upang hindi na maabala sa pagbigat ng daloy ng trapiko ay pinaalalahanan naman ang publiko na umiwas sa Quirino Avenue area.

Para naman sa alternatibong daan para sa mga papunta ng Quirino Ave na manggagaling sa Roxas Blvd. hanggang Taft Avenue ay dapat kumanan sa M. Adriatico, kaliwa sa Bagong Lipunan at kanan sa President Quirino papunta sa destinasyon.

Habang ang mga mangagaling ng Taft Ave. papuntang Roxas Blvd., dumaan sa San Andres, kumanan ng M. Guerrero, kaliwa sa Remedios, kaliwa muli sa Ma. Orosa, kanan sa San Andres, kaliwa sa M. Adriatico at kanan sa President Quirino papunta sa destinasyon dahil maghapon ang isasagawang shooting sa lugar na tatagal hanggang Linggo.

Nabatid na sa Enero 14 ay nakatakda ring magshooting ang international production sa Taft Avenue  mula alas-5:00 ng hapon hanggang hatinggabi. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply