BPO industry sa bansa nanganganib malusaw

NANGANGANIB na malusaw ang mga call center sa oras na maipasa sa United States Congress ang isang panukalang batas na nagbabawal sa mga U.S. companies na mag-outsource ng operasyon nito.

Dahil dito, hiniling ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na dapat mag-lobby ang pamahalaan sa U.S. Congress para harangin ang House Bill 3596 o Call Center and Consumers Protection Bill.

Nangangamba si Evardone na kapag naipasa ang naturang panukalang batas ay maapektuhan ang Business Process Outsourcing industry ng Pilipinas bukod pa sa maraming mga Pilipino ang mawawalan ng kabuhayan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply