Branch manager todas sa holdaper

PATAY ang isang branch manager ng lending company sa La Carlota, Negros Occidental makaraang maholdap sa Brgy. Pahanocoy, sa Bacolod.

Kinilala ang biktima na si Josie Genovea, 45, residente ng NHA Village, Brgy. Pahanocoy at branch manager ng ZFA Lending Corporation.

Ayon sa pahayag ng mga testigo, bumaba ang biktima sa sasakyan nang bigla siyang hinarang ng tatlong mga lalaki na nakasakay sa motorsiklo kasunod ng pagpilit na agawin ang kanyang bag.

Ayaw pa sanang bitawan ng biktima ang kanyang bag ngunit pinagbabaril ito ng mga suspek kung saan nagtamo ito ng apat na tama ng bala mula sa .45 kalibre ng baril.

Sinubukan namang dalhin ito sa Bacolod Adventist Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival ang biktima.

Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa nasabing pamamaslang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply