Brgy. Kapitan tepok sa riding in tandem sa Isabela

NASAWI ang isang barangay kapitan ng Marasat Pequenio, San Mateo, Isabela makaraang barilin kahapon ng gabi ng riding-in-tandem habang pauwi sa kanilang tahanan.

Nabatid na dakong alas-9:00 ng gabi nang tambangan si Barangay Kapitan John Co na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng caliber .45 ang katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Naisugod pa si Co sa ospital ngunit binawian din ng buhay dahil sa malubhang tama ng bala sa kanyang likod at dibdib.

Pauwi na si Co sakay ng kanyang motorsiklo mula sa sentro ng San Mateo nang barilin siya ng hindi nakilalang suspek na sakay din ng motorsiklo sa Barangay Daramuangan Sur, San Mateo.

Si Kapitan Co, 37, ay may negosyo sa buy-and-sell ng mga sasakyan at ang kanyang misis at kanilang mga anak ay nasa Amerika sa kasalukuyan.

Patuloy pa ring sinisiyasat ang motibo ng pamamaslang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply