BSP: Pagulungin ang pera para umangat ang ekonomiya

NANAWAGAN ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Administraysong Aquino na dapat nang pagulungin ang pera ng bansa ng pamahalaan upang umangat ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay BSP Gov. Amando Tetangco, nahaharap ngayon ang Pilipinas sa iba’t ibang suliranin kaya naman dapat nang gamitin ang pera ng bansa sa paraang lalago ang ekonomiya.

Sinabi ni Tetangco na malaki ang naging epekto ng underspending ng gobyerno noong 2011 kaya bumagal ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Bunsod nito, hinikayat ng BSP si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na simulan na ang paggastos para mas malaki ang itaas ng ekonomiya ng Pilipinas.

Una nang inihayag ng Malakanyang na ang ekonomiya ngayong 2012 ay kanilang pagtutuunan ng pansin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply