Bugaw tinarakan ng kostumer

UTAS agad isang hinihinalang bugaw matapos itong saksakin ng  galit ng  sekyu matapos itong iwanan sa loob ng motel ng babaeng ibinugaw kaninang madaling araw sa Monumento, Caloocan City.

Dead on spot sa pinangyarihan sanhi ng isang malalim na saksak sa dibdib ang biktimang si Gilbert  Donaire, 31, habang agad namang nasakote ng mga nagrespondeng awtoridad ang salarin na si Edset Araña, 30, binata, sekyu  Monumento LRT Station.

Sa isinagawang imbestigasyon ni Sp01 Joselito Barredo ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan Police, ganap na alas-4:30 kaninang umaga nang maganap ang krimen sa tapat ng Wise Motel sa Samson Road Caloocan.

Napag-alaman na si Donaire ay may mga alagang babae na nagbebenta ng panandaliang aliw kung saan isa rito ay ginamit ang serbisyo ng suspek at nagkasundo ng kabayaran bago nag check-in sa Wise Motel.

Hindi tinupad ang usapan kaya biglang nilayasan ng babae ang suspek sa loob ng nasabing motel na siya namang ikinagalit ng sekyu kay Donaire .

Agad kinuha ng lasing na suspek ang kutsilyo na gamit ng may ari ng lugawan sa lugar at tinarakan sa dibdib ang nasabing biktima na agarang ikinamatay nito. Roger Panizal

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply