Bulls ginilitan ng Grizzlies

BAGO nag-umpisa ang laban nagbigay ng mensahe si Mike Conley sa mga kakampi niya sa Memphis Grizzlies na isa marahil sa naging dahilan upang pigilin nila ang five-game winning streak ng Chicago Bulls.

“I said, `Let’s not forget what happened,” patungkol ni Conley sa kabiguan nila kontra Bulls noong New Year’s day.

Nakabawi ang Grizzlies laban sa Bulls matapos manaig ng una 102-86 kanina sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

“That was the last thing I said to them: `That was an embarrassing loss. Let’s go out there and just play hard and leave it all out there on the court,”’ ani pa ni Conley na tumikada ng 20 puntos, walong assists, pitong rebounds at apat na steals.

Si Rudy Gay, (24pts., at tig-limang boards at assists) ang bumira ng maraming puntos para sa Grizzlies.

Sinamantala ng Grizzlies ang pagkawala ng leading scorer ng Bulls na si Derrick Rose kaya naman sa halftime ay angat ng sampung puntos ang Memphis, 58-48.

“Without having D-Rose out there, we had to take advantage of it,” wika ni Conley.

Maganda ang inilaro ni Bulls Forward Luol Deng dahil bumira siya ng 20 points, six rebounds at tatlong assists subalit hindi sapat kaya naging tatlo ang kanilang talo sa 15 laro.

Ang dalawang bench players ng Bulls na sina CJ Watson at Taj Gibson ang naging katuwang ni Deng sa opensa kung saan sila ay may 17 at 16 puntos ayon sa pagkakasunod.

Samantala, kinuryente ng Oklahoma City Thunders ang Boston Celtics, 97-88 habang kinalawit ng Atlanta Hawks ang Toronto Raptors, 93-84.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply