Bulls nanuwag kahit wala si Rose

WALA pa rin ang star player ng Chicago Bulls na si Derrick Rose subalit nagagawa pa ring manalo ng mga ito dahil sa ipinakikitang tikas ni Luol Deng.

Bumira si Deng ng 21 puntos, walong rebounds at dalawang assists upang igiya sa dalawang sunod na panalo ang Bulls matapos suwagin ang Cleveland Cavaliers, 114-75, kanina sa 2011-12 National Basketball Association (NBA) regular season.

Pangatlong sunod ng hindi naglalaro ang reigning MVP na si Rose dahil sa kanyang injury.

Medyo mainam na ang injury ni Rose subalit hindi pa rin sapat upang ilaro kaya naman humaba ang pahinga nito.

“He doesn’t feel he’s ready to go yet,” sabi ni coach Tom Thibodeau. “The doctors said it’s a sprain. Turf toe is a pretty wide umbrella. My understanding is the difference between the sprain and turf toe is the turf toe is underneath the toe. Derrick was face down when he got hit so it was on the top of the toe, which made it a sprain.”

Nakatuwang ni Deng sa opensa si Carlos Boozer na may 19 puntos, 14 rebounds at apat na assists habang nagdagdag si point guard CJ Watson ng 15 puntos, seven assists at tatlong boards upang mapaganda ng Chicago ang kanilang team standing sa 13-3 win-loss slate.

“Here’s the thing about our team: We have more than enough to win with,” ani pa ni Thibodeau.

Sa ibang NBA results, tinalo ng Milwaukee Bucks ang New York Knicks, 100-86 habang sinilaw ng Phoenix Suns ang Boston Celtics, 79-71. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply