Bunso napraning sa pangaral, pumatay ng kuya

PATAY ang 21-anyos na kuya matapos saksakin ng nakababatang kapatid makaraang magkainitan dahil sa motorsiklo ng kanilang ama sa Maynila kagabi.

Kinilala ang biktima na si Ericson Belmonte matapos saksakin ng kanyang nakababatang kapatid  na hindi muna pinangalanan ng pulisya.

Sa imbestigasyon ng MPD homicide division, itinakas ng kinse-anyos na kapatid ni Ericson ang motor ng kanilang ama.

Pinagsabihan naman ng biktima ang nakababatang kapatid dahil sa pag-aalalang may mangyaring masama sa kanyang pagmamaneho.

Minasama naman ito ng nakababatang kapatid ng biktima hanggang sa nagkaroon ng sagutan hanggang sa tuluyan na silang nag-away na magkapatid.

Ayon sa suspek, binugbog siya ng kanyang kuya kaya nang siya ay makabalik ay sinaksak niya sa dibdib na agad nitong ikinamatay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply