Bus operator na lalabag sa fixed salary policy, paparusahan

MAHIGPIT na binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng bus operator na igagawad ang mabigat na parusa sa mga bus operator na hindi susunod sa fixed salary policy ng bus driver.

Naniniwala si LTFRB board member, Atty. Manuel Iway, na sa pamamagitan ng fixed salary policy ay matutuldukan na ang mga aksidenteng dulot ng mabilis na pagpapatakbo ng mga bus drivers.

Ito’y kasunod ng ipatutupad na bagong patakaran sa pasahod ng mga bus driver at konduktor simula sa Enero 16.

Kasabay nito, sinabi ni  Iway na  magkakaroon ng karampatang parusa ang mga bus company na hindi susunod sa pagbigay ng regular pay at iba pang benepisyo.

Naniniwala naman si MMDA Chairman Francis Tolentino na malaking bagay ito para maiwasan ang pagkarera sa lansangan dahil pangunahing layunin nito ang mapagtibay ang seguridad ng public transport.

Matatandaang nitong nakaraang Biyernes (Enero 6), inutos ng LTFRB sa public utility bus operator ang pagpapatupad sa government-prescribed rate na sahod, working hours at minimum benefits para sa mga bus driver. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply