Bus vs trak: 2 drayber patawirin, 17 sugatan

PATAWIRIN ngayon ang dalawang driver ng bus habang 17 iba pa ang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang nakaparadang trak sa bayan ng Pamplona sa Camarines Sur kaninang madaling araw, Enero 23.

Kinilala ang driver ng Philtranco bus na sina Noel Bereña at Rowel Seguera ng Taguig City na kapwa nagtamo ng sugat sa ulo at binti na natagalan pang ma-rescue matapos maipit sa mismong manibela at bakal.

Batay sa imbestigasyon, nakatulog ang driver dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho at sumalpok sa nakaparadang truck na nasa kabilang linya.

Kinumpirma ng pulisya na kabuuang 19 katao ang mga sugatan kasama na ang driver at tatlong paslit.

Kinilala ang mga biktima na sina John Andrey Yungcon, 1; Loren Macdun, 2; Ronaly Macdun, 4; Naneth Macdun, 33; Edlecel Obedecia, 20; Maria Regina Desedelio, 40; Michael Notado, 39, ng San Fernando; mag-asawang Cecelia Malones, 28, at Rommel Malones, 29, ng Abella Naga City; Jeel Jub, 21, ng Iriga City; Christopher Benitez ng Albay at Marites Tabalde ng Bulacan.

Nabatid na pasado alas-4:00 ng madaling araw kanina nang mangyari ang insidente sa Barangay San Gabriel sa nasabing bayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply