Bus vs van: 2 patay, 5 sugatan sa Camarines Sur

AGAD na nasawi ang dalawa katao makaraang magsalpukan ang isang pampasaherong bus at isang van sa Barangay Cadlan, bayan ng Pili sa lalawigan ng Camarines Sur kaninang madaling araw, Enero 17.

Kinilala ang mga biktima na sina Jayson Arcilla, driver ng van at si Edcel Meligrito na kapwa nagtamo ng seryosong pinsala sa kani-kanilang mga katawan.

Habang sugatan at patuloy namang binibigyang lunas sa Bicol Medical Center ang apat na kasamahan ng mga ito at ang isang pasahero ng RU Diaz bus.

Boluntaryo namang sumuko sa PNP-Pili ang driver ng bus na si Pedro Bernarde.

Ayon kay Bernarde, binabaybay umano nila ang daan patungong lungsod ng Legazpi nang masalubong ang gumegewang-gewang na van.

Bagama’t sinubukan niya umano itong iwasan, sumalpok pa rin ng pagkalakas-lakas ang naturang van sa kaniyang minamanehong sasakyan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply