Busal sa baril ng mga pulis inalis na

INALIS na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang busal sa nguso ng kanilang service firearm na inilagay bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Pinangunahan ito sa Kampo Krame kaninang umaga at sabay-sabay na isinagawa sa iba’t ibang police headquarters sa bansa.

Sa ngayon ay hindi pa nababatid kung may mga pulis na nagpaputok ng kanilang baril sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil kinukumpleto pa ang record ng mga biktima ng stray bullet.

Ayon kay PNP Chief. Dir. Gen. Nicanor Bartolome madaling malalaman kung anong uri ng baril ang ginamit at kung sino ang nagmamay-ari, magkakahirapan lamang kung loose firearm ang ginamit.

Kasabay nito, sinabi ni Bartolome na maparurusahan ang sinumang pulis na mapatutunayan na nagpapaputok ng baril noong bisperas ng Bagong Taon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply