Bynum pinasan si Kobe

WALANG problema kahit minalas si Kobe Bryant dahil pinasan naman siya ni Andrew Bynum upang ilista ang ikatlong sunod na panalo ng Los Angeles Lakers sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Bago mag-Bagong Taon sa America ay pinayuko muna ng Lakers ang Denver Nuggets, 92-89 matapos  magpakitang gilas ni Bynum na galing sa four game-suspension na pinataw pa sa kanya noong nakaraang season.

Nangalabaw ng 29 puntos, 13 rebounds at two blocks upang manguna ang L.A Lakers sa Pacific division ng Western conference na may kartang 3-2.

Nasuspinde si Bynum ng apat na laro ng ma flagrant foul nito si J.J Barea ng Dallas Mavericks sa Game 4 ng Western Conference semifinals.

Dapat ay five games ang parusa ng sentrong si Bynum  subalit nabawasan ito noong Dec. 23.

Tumikada si Bryant ng 17 points, 10 rebounds at nine  assists kung saan ang kanyang stats sa Field Goal ay 6-of-18 habang bokya sa limang tira sa three-point area.

Nag-ambag din si Lakers forward Pao Gasol ng 17 pts.  limang boards at isang assist.

Maging ang point guard ng Lakers na si Derek Fisher ay nangamote rin sa opensa ng maglista lamang ito ng anim na puntos, limang assists at tatlong rebounds.

Nalasap naman ng Nuggetes ang ikalawang sunod na talo kaya naman ay napako ito dalawang panalo.

Si bench player Al Harrington ang bumira ng maraming puntos para sa Nuggets na may 21 at tatlong rebounds.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply