Cabinet post target ng solon

TOTOO kaya ang nabalitaan ng matang kuwago ng Remate na nagdadalawang-isip na ang isang senador na hindi tapusin ang kanyang termino kapalit ang isang Cabinet post.

Sa impormasyong ipinarating kay matang kuwago, ang departamento na nais kontrolin este hawakan ng naturang mambabatas ay hindi nalalayo sa komiteng kanyang hinahawakan sa Senado.

Mukhang nagugutom na yata masyado ang mambabatas sa pagiging senador kaya handang ipagpalit ang posisyon ng dahil lang sa isang Cabinet post na walang katiyakan.

Ang pagiging bahagi ng Gabinete ng isang pangulo ay karapatan at kapangyarihan nito subalit walang katiyakan kung tatapusin ang termino o hindi ng pangulo.

Sayang naman, kumpara sa pagigng senador na may eksaktong araw at petsa ng termino at may sariling pork at kapangyarihan samantalang ang pagiging Gabinete ay “in the pleasure of the President” at pag hindi na type ng pangulo, tiyak tanggal ka sa puwesto sa ayaw at sa gusto mo.

Kaya huwag kayong magtaka kung bakit ngayon pa lamang ay inuubos na ng kanyang mga alipores sa kanyang opisina ang pondo nito lalo na ang savings gayong hindi naman ito reelectionist.

Kilala rin ang mambabatas na ito sa kanyang pagiging balimbing at user patunay ang paggamit sa pangalan ng kanyang maybahay matiyak lang ang panalo sa nagdaang halalan.

Ang mambabatas na ating tinutukoy ay hindi naman Ilokano pero sobra pa ang kabaratan sa pagiging kuripot patunay rito ang pag-angal niya sa kanilang Christmas party contribution para sa mga miyembro ng Senate media.

Gusto ninyo pa ng dagdag na clue?

Heto: May letrang K sa kabuuan ng kanyang pangalan as in Kornik.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply