Camera sa impeachment tanggalin – Chiz

ISA lang ang nakikitang solusyon ni Senador Francis Escudero upang mapabilis ang impeachment proceedings sa kaso ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ay ang pagbawas at pagtanggal sa mga camera sa loob ng impeachment court nang sa ganon ay maiwasan ang grand standing ng mga senator-judge.

Ang nasabing suhestyon ay ginawa ni Cgiz dahil sa pangamba ng ilang senator-judges na maaaring abutin ng isang taon ang paglilitis dulot na rin sa 100 testigo at 300 documentary evidence na inihanda ng prosekusyon maliban pa sa panig ng depensa.

Magugunitang maging si Senate President Juan Ponce Enrile ay nalula sa dami ng testigo ng prosekusyon kung saan sinabi pa nina Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada at Senador Francis Pangilinan na maaaring aabutin sa 10 buwan hanggang isang taon ang kailangan para sa Corona trial.

Matatandaang nagkasundo na ang depensa at prosekusyon sa mungkahi ni Enrile na magkaroon ng stipulation of facts -conference para mapabilis ang usad ng paglilitis sa punong mahistrado.

Maging sina Senador Lito Lapid at Ramon “Bong” Revilla ay nangangamba na matali ang mga kapwa nila senador sa impeachment trial at hindi na magawa ang kanilang nakabimbing mga panukalang batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply