Camille Prats ‘di pa rin nakare-recover

IPINAGTAPAT sa Thanksgiving cum Farewel presscon ng Munting Heredera ni Camille Prats na after four months na pumanaw ang asawang si Anthony Linsangan, hindi  pa rin siya nakare-recover sa kalungkutan.

Kaya ang naging theraphy niya para makalimot ay ang pagtatrabaho nang husto. Buti naman tuluy-tuloy ang taping ng Munting Heredera buhat nang “namaalam” sa kanya si Anthony noong October 2011 sa sakit na nasopharyngeal cancer.

Iniyakan talaga ni Camille ang asawa na pitong taon din silang nagsama. Apat na taon silang magsyota at tatlong taon bilang mag-asawa. Tanging alaala niya kay Anthony ay ang kanilang cute na baby boy na more than two years old na ngayon.

Ani Camille: “Hindi ko siya talaga makalilimutan basta-basta. Tumitira pa rin ako sa bahay na pinundar namin sa Alabang tuwing weekends at weekdays naman sa parents ko.“

Malaki ang pasalamat ni Camille na mapasama siya sa Munting Heredera kahit second choice lang siya noong una dahil dapat ang kanyang role ay para kay Gelli de Belen na lumipat sa ibang network.

Special mention niya si Gloria Romero na sobrang umalalay sa kanya pati na rin si Mark Anthony Fernandez na first time niyang nakasama bilang kanyang leading man. Hindi raw matatawaran ang kabaitan at professionalism ni Mark Anthony habang ginagawa nila ang Munting Heredera.

o0o

HINDI rin makalilimutan ng dalawang kilalang boldstar na sina Leandro Baldermor at Ynez Veneracion dahil sa Munting Heredera, nawala o nabura na sa mga taong nanonood na sila’y dating mga hubadera. Bagkus, napalitan ang kanilang image bilang mga alagad ng sining.

Sa tulong ni Direk Maryo J. delos Reyes, ang nagdidirehe ng Munting Heredera, naipakita nina Leandro at Ynez ang galing nila sa pag-arte. Hindi na sila basta-bastang artista ngayon dahil may pinatunayan na sa makatotohanang pagganap sa MH.

Si Leandro, ayon kay Maryo J, ay puwedeng-puwede nang maging isa sa mga leading men ng GMA7. Makaaagapay siya sa mga kasalukuyang lead stars ng network. Si Ynez naman ay hindi nagbabago ang kagandahan, kaya puwede pa rin siyang maging bida.

o0o

MAY mapapanood na naman tayong Manny Many Prizes. Kahit busy si Cong. Manny Pacquiao sa pagiging kinatawan sa Congress ng Sarangani province, hindi niya nakalilimutan ang  paglabas sa show bilang host.

Laging nasa isip ni Manny ang libu-libong audience ng show tuwing Saturday night.

Natutulungan niya kahit paaano ang kanyang live audience at sa mga nanonood sa bahay ng telebisyon sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng libu-libong premyo.

Aba, kung papalarin, ang studio contestant ay mag-uuwi ng P1 million cash o house and lot.

Tuwing Saturday night, may iba-ibang co-host na babae ngayon si Manny kaya kikiligin kayo sa mga sexy at magaganda niyang co-host. Siyempre, andoon pa rin sina Gladyz Guevarra, Onyok Velasco, at iba pang kasama sa programa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply