Camille Villar permanent co-host na sa WilTime, BigTime

PORMAL nang ipinakilala ni Willie Revillame si Camille Villar bilang permanent co-host ng kanyan show na Wil Time BigTime.

Noong Sabado, sinabi ni Willie na araw-araw (mula Lunes hanggang Sabado) nang makakasama si Camille sa kanyang show. Bago lumabas si Camille, isa munang video ang ipinakita ukol sa dalaga ni Sen. Manny Villar at saka ito lumabas suot ang isang simpleng damit at saka inabutan ng bulaklak ni Willie.

Nagpakita pa ng video message mula sa mga kaibigan at kapamilya ni Camille na ikinaluha ng dalaga.

“Sobrang excited ako sa aking pagbabalik habang nawala ako noong Christmas, na miss ko kayong lahat. Sobra ang aking kasiyahan dahil andito na uli ako, sobrang excited at magkaka-energy na ako this time around,” ani Camille nang tanungin ni Willie kung ano ang masasabi sa kanyang pagbabalik.

Bukod kay Willie, nag-welcome rin sa kanya ang mga kasamahang sina Marielle Rodriguez, Sugar Mercado, Bey Bisaya, at Anna Feliciano.

“Maganda po ang feedback na ating nakukuha simula nang makasama si Camille at parte na ng show si Camille para magbigay ng saya at tulong sa ating mga kababayan.” ani Willie.

“‘Yun po ang importante, na-miss at natuwa naman ako na last November and December napakasaya palang tumulong at makapiling kayo, kaya excited akong makapiling kayo,” sabi ni Camille sa audience na ikinahiyaw ng mga ito.

Ayon naman sa video message ng kanyang kapatid na si Cong. Mark Villar, pangarap din niyang maging host ni Willie pero natutuwa siyang si Camille ay parte na ng Wil Time Bigtime.

“Hindi namin linya ang maging entertainer at host sa TV pero pinayagan namin si Camille ni Sen. Villar sa show ni Willie dahil naniniwala kaming hindi siya pababayaan ni Willie at alam naming ang show ni Willie ay gustong makatulong at natutuwa kaming Camille will be part of it. Alam naming kaya mo ‘yan, hindi ka namin papayagan kung hindi namin alam na hindi mo kaya. You did your best and alam namin na hindi mo pababayaan ang work mo,” sambit naman ng kanyang inang si dating Cong Cynthia Villar.

Personal namang nagtungo si Sen. Manny Villar sa Wil Time BigTime para suportahan si Camille  at sinabing, “Nagagalak kami sa aking anak na makasama rito sa show, malaking bagay po sa amin ito. Camille, ano pa ba ang sasabihin ko sa ‘yo pero alam mo, kung ano mang gawin mo nasa likod mo lang kami, alam ko na masasabay ‘yan sa ibang trabaho mo pero alam kong makakayanan mo naman. Maganda rito dahil makakatulong ka sa ating kapwa, sa ngayon kasi sa akin lang mahalaga na ‘yung career mo sa career ko. Patapos na ‘yung sa akin, sa iyo nagsisimula pa lang. Ano mang mangyari andoon lang kami sa likod mo. Rito sa showbiz, walang madaling trabaho, anumang pasukin mo dapat handa ka riyan, ano man ang mangyari andito lang kami sa likod mo.”

Idinagdag naman ni Willie na ang Wil Time Bigtime na ang pangalawang pamilya ni Camille.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply