Carla nagsisisi na di nakadalo sa awards night

TINANGGAP nang maluwag ni Carla Abellana ang pagkatalo kay Maricel Soriano sa pagka-Best Actress sa katatapos ng Metro Manila Film Festival Awards Night na ginanap sa Resorts World sa Pasay City.

Kahit natalo siya ni Maria ay masaya pa rin si Carla dahil nanalo ng 11 awards ang Asiong Salonga, including best picture na kung saan isa siya sa gumanap na wife ni Asiong as portrayed by Gov ER. “Masaya ako na nabigyan ng recognition ang dalawang movies na nakasama ako sa MMFF. I’m happy for Ms. Maricel Soriano kasi she deserves to win kasi ang galing-galing niya sa movie namin (Yesterday, Today and Tomorrow).

“At siyempre yung Asiong Salonga, kasama rin ako sa cast niyan. Masaya ako for Gov. ER Ejercito kasi he really worked hard for the movie and it deserves all the awards,” ngiti pa ni Carla.

Tungkol sa pag-boycott ng Regal Entertainment, Inc. sa MMFF nights, itinanggi ni Carla na pinagsabihan sila ng big boss ng Regal Films na huwag dumalo sa Awards Night dahil sa nangyaring pag-disqualify sa pelikulang Yesterday, Today and Tomorrow.

“Hindi ko nakausap si Mother Lily (Monteverde). Hindi ko rin siya na-text. Ang una nga nakapagsabi sa akin ay si Lovi Poe, na hindi nga raw makapupunta ang lahat ng cast ng YTT, pati na rin ang cast ng Shake, Rattle & Roll 13.”

“Wala naman ako narinig na anything from Mother Lily or kay Ms. Roselle Monteverde-Teo kasi inaayos pa nila yung issue with MMFF.

“Hindi ko alam ang tungkol sa isyung ninety percent ng script ng YTT ay nabago. Pag kakaalam ko kasi, based sa original script yung mga eksena ko at walang nabago. Hindi ko talaga alam na may nabago,” mahabang paliwanag ni Carla.

Nanghinayang si Carla sa hindi pagkakadalo sa Awards Night dahil gusto niyang pumalakpak para sa pelikula nila ni Gov E.R na Asiong Salonga.

“Gusto ko magbigay ng standing ovation sa Asiong Salonga. Pero online na lang ako naki-update sa mga pangyayari. Online na lang ako nagbasa ng mga resulta ng mga nanalo. Sobra akong natuwa sa mga nangyari sa Asiong Salonga,” say ni Carla na isa sa may pinakamagandang mukha sa ngayon sa industriya.

****************

SA TATE pa kinunan ang pagsasapelikula ng A Mother`s Story na first lead role ni Pokwang na nakatakdang ilabas sa mga sinehan sa January 8.

Super proud ang comedienne lalo`t pa super dami ng mga pumuri sa pelikula nang mag-premiere ito sa Alex Theater sa California USA.

Tsika ni Pokwang, namamaga raw ang mga mata ng mga taong nanood nang lumabas ang mga ito ng sinehan.

“Na-touch po talaga sila sa kwento kaya malaki po ang pasasalamat ko sa pelikulang ito,” say ni Pokwang.

Not only that, binigyan pa ng standing ovation ang pelikula pero sabi ni Pokwang, di niya nasaksihan yun dahil na-late siya ng dating sa venue na pinagdausan ng screening ng kaniyang movie.

“Na-traffic ako. Galing po kasi ako ng Canada tapos nadelay-delay ang flight ko. Ikinuwento na lang po sa akin through phone na ang mga tao talaga, nag-standing ovation sa movie,” masayang kuwento ni Pokwang.

Pinatunayan naman ng editor ng Peoples Journal na si Eugene Asis na naroroon sa States that day nang ipalabas ang A Mother`s Story na lahat ng kaniyang mga kaibigan na nakapanood ng movie ay puro papuri ang sinasabi rito.

Ang The Filipino Channel ang nag-produce ng pelikula at idi-distrbute naman ng Star Cinema rito sa Piñas.

****************

HUMATAW sa takilya noong January 1 ang “Segunda Mano” na pinagbidahan nina Kris Aquino at Dingdong Dantes and Asiong Salonga ni Gov. ER Ejercito. Dagsa ang tao sa lahat ng mga sinehan pinaglabasan ng kanilang movie.

Natatawa tuloy ang mga nagsisipila sa mga booth ng mga sinehan sa napapanood nila sa TV na ipina-plug ang pelikula na ini-interview ang mga nakapanood na sinasabing: ”Nakakatawa! Ang ganda ng movie.”

Dinig na dinig ko habang nakapila kami sa tsikahan ng mga magbabarkada: “Doon na lang tayo manood sa plug sa TV na nakakatawa at maganda ang movie.”

“Naku! Tigilan ako ng plug na yan sa TV. Isa ako sa naloko ng pelikulang yan! Walang kuwenta. Nakatulog lang ako.”

Pahabol pa ng isa sa kasama nabiktima sa plug sa TV. “Naku! Huwag kayo maniniwala sa mga plug sa TV na pelikula na maganda raw at nakakaaliw.

Dahil sa totoo ay walang kalatoy-latoy ang kanilang pelikula,”

Well, saksi kami sa rami ng dumagsa sa mga sinehan para panoorin ang Asiong Salonga at Segunda Mano. Grabe as in grabe ang mga tao.

Pami-pamilya ang nakipagsiksikan sa pilahan kesedodang last full show ng movie.

Nagbakasali na maghintay ng last full show sa pag-aakalang makapapasok sila na comfortable pero mas dumami pa ang naghintay ng last screening.

Ayun standing room ang movie nina Kris at Gov ER pero sulit naman ang paghihintay ng mga ito dahil naglabasan sila na masaya at kuntento sa napanood.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply