Cartel, monopoly bawal na

NALALAPIT na ang katapusan ng pananamantala ng mga kumpanya ng langis matapos na ikasa ang panukalang batas na nagbabawal sa monopolyo, cartel at iba pang uri ng pananamantala ng mga kumpanya sa bansa.

Ipinalabas na ng Senate committee on trade and commerce na pinamumunuan ni Sen. Manny Villar, ang committee report hinggil sa “Competition Act of 2011” o ang dating “Anti-Trust Bill.”

Binigyang-diin ni Villar ang kahalagahan para maisabatas ang naturang panukala dahil patuloy na sinasamantala ng mga kumpanya sa bansa ang walang kalaban-laban na konsyumer.

“Because consumers have no other product choices, monopolies can increase or decrease at will. In the end, the people who suffer big price increases are those who have low-paying jobs or are minimum-wage earners,” paliwanag ni Villar.

Sa naturang panukala, ipagbabawal na sa bansa ang anti-competitive conduct o ang mga gawain ng kumpanya na magreresulta para mapigilan o mabawasan ang kompetisyon ng mga kumpanya sa bansa; abuse of dominance o ang pag-abuso sa dominance ng mga kumpanya sa merkado; anti-competitive mergers o ang pagsasanib ng mga kumpanya para mabawasan ang kompetisyon at ang criminal offense tulad ng pagkontrol sa presyo at supply ng goods and services.

Inirekomenda ni Villar ang pagpataw ng multang P10 milyon hanggang sa P750 milyon para sa sinumang indibiduwal at kumpanya na siyang lalabag sa panukalang batas na ito.

Upang masiguro ang epektibong implementasyon ng panukala, lilikhain ang Office for Competition na ang pangunahing trabaho ay mag-imbestiga sa mga kumpanyang lumalabag. Magkakaroon din sila ng kapangyarihan para mag-isyu ng subpoena upang makuha ang libro ng mga kumpanya ng langis at iba pang kumpanya sa bansa at magsampa ng kaso laban sa mga kumpanya na lumalabag sa batas.

May ilang senador, kongresista at consumer group na ang nag-akusa hinggil sa sabwatan ng mga kumpanya ng langis, subalit hindi naman sila makasuhan ng gobyerno dahil sa Oil Deregulation Law.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply