Cayetano dismayado sa palusot ng prosekusyon na talakayin ang ill-gotten wealth issue

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si Senate minority leader Alan Peter Cayetano sa pagpapalusot ng House prosecution panel na ibalik ang diskusyon sa impeachment court hinggil sa naibasurang pagtatangkang talakayin ang isyung ill-gotten wealth ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa kanyang ipinalabas na paglilinaw, sinabi ni Cayetano na napagkasunduan sa impeachment court na hindi na maaaring talakayin ang isyu sa ill-gotten wealth bilang isang hiwalay na kaso dahil walang nakatala sa Articles of Impeachment hinggil sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“Hindi na maaaring talakayhin pa bilang isang separate charges ang ill-gotten wealth dahil kung susuriin nang mabuti ang bawat Articles of Impeachment, walang nakalagay dito na may akusasyon sa graft and corruption mula sa alegasyon ng ill-gotten wealth,” paliwanag ni Cayetano.

Aniya, sa kasalukuyang pagtalakay ng impeachment court sa Article 2 ay patungkol sa hindi paglalantad ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Chief Justice Corona na nangangahulugang hindi ka nag-file o nag-file ka ng hindi kumpleto o nag-file ka na mayroong binago o hindi isinama.

Ngunit aniya, sa pagtalaky ng paragraphs 2.2 at 2.3 ng Article 2, kung maipakita na mayroong properties na hindi naisama sa SALN ni Corona at kapag naipakita na ang mga property na ito ay hindi kayang bayaran ng legitimate income ng punong mahistrado malilipat ang usapin sa tinatawag na “burden of proof” sa kabillang panig, kung saan kailangang patunayan ng depensa na ang mga yamang nabanggit ay hindi ill-gotten.

Dagdag pa ng senador: “Tulad ng napagkasunduan kahapon (Enero 26), lahat na ng tatalakayin patungkol dito will be in the form of a motion upang bigyan diin na ang ibig patunayan (ng prosekyusyon) sa pagkakataong ito ay ang kakulangan ng full disclosure at hindi ang alegasyon ng ill-gotten wealth.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply