CBCP kampi kay Pope Benedict XVI vs same sex marriage

NAGPAHAYAG ng suporta ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pahayag ni Pope Benedict XVI laban sa same-sex marriage.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, maging ang CBCP ay tutol rin sa gay marriage.

Kaagad namang nilinaw ng arsobispo na wala siyang problema sa mga miyembro ng third sex at sa halip ay nakikisimpatiya siya sa mga ito.

Gayunman, aniya, magsisinungaling siya kung sasabihing ayos lamang para sa kanya na magpakasal ang mga ito.

“I sympathize with the gay people. I have no problem with them. But if I tell them that it’s okay for gay people to get married, I’ll be telling a big lie,” ayon pa kay Cruz.

Ipinaliwanag ni Cruz na walang procreation ng magaganap kahit ikasal ang dalawang tao na magkapareho ng gender.

Nauna rito, nagpahayag nang pagtutol ang Santo Papa sa same-sex marriage, sa ginawa nitong New Year’s address sa harap ng may 180 diplomats mula sa iba’t ibang bansa.

Ayon sa Santo Papa, nakabase ang pamilya sa kasal ng isang babae at lalaki at ang mga patakarang taliwas sa ganitong depinisyon ay banta sa kinabukasan ng sangkatuhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply