CBCP muling nasopla sa isyu ng RH Bill

SINOPLA ng Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP) ang diumano’y pagpapakalat ng impormasyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill ay matutulad din sa Corona impeachment complaint na brinaso ng nakararaming kongresista.

Binigyang diin ngayon ni Elizabeth Angsioco, National Chairperson ng DSWP na walang basehan ang paring si Melvin Castro, Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Episcopal Commission on Family and Life para sabihin na dapat bantayan ng taumbayan ang RH Bill dahil mawawalan din umano ito ng due process.

“Is this a case of selective amnesia? Fr. Castro knows well that the RH Bill has been pending in Congress for more than a decade and that it has been the subject of discussion from the Committee level up to plenary sessions in both chambers of Congress,” ayon kay Angsioco.

Giit pa ni Angsioco na lahat ng argumento sa panukala ay nailabas na at patuloy na inilalabas sa mga debate sa plenaryo ng Kamara.

Subalit nabigo aniya ang mga tutol sa RH Bill na maghain ng mga bagong argumento kung kaya inuungkat naman ang teknikalidad upang tuwirang maharang ang pagsasabatas nito.

Hindi rin aniya makatuwiran na ihalintulad sa Corona impeachment ang pagtalakay sa RH Bill dahil ito aniya ay dumadaan sa tamang proseso.

“Fr. Castro’s statements only revealed that the anti-RH camp does not have the numbers in Congress and that they are scared to put the bill to a vote because they know they will lose,” sinabi pa ni Angsioco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply