CBCP nagpasaring sa sigalot ng M’cañang, SC

NAGPASARING ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa sigalot ng Palasyo at Korte Suprema sa pagbubukas ng kanilang 104th plenary assembly sa Pope Pius sa Maynila.

Sa isang talumpati, tinukoy ni Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng CBCP ang mga problema ng bansa kabilang na ang isinasagawang impeachment trial ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Aniya, sana’y hindi maipit sa tunggalian ng Malakanyang at SC ang pagpapatupad ng batas at pagsusulong ng mga programang pang-ekonomiya.

Masalimuot din para kay Palma ang pinagdaraanan ng pulitika sa bansa sa pagsasabing, “Napapangibabawan tayo ng madilim na ulap.”

Tinukoy din ni Palma sa kanyang talumpati ang pananalasa ng Bagyong Sendong sa Cagayan de Oro, Iligan City at Dumaguete.

Bukod dito, ikinalungkot din niya ang mga katiwalian, kawalan ng trabaho ng marami at pagkasira ng kalikasan na lalong nagpapahirap sa mga mamamayan.

Samantala, nagpaabot ng pagbati si Pope Benedict XVI sa plenary assembly ng CBCP na magtatapos bukas, araw ng Lunes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply