CCTV ilalagay sa daraanan ng Black Nazarene

MAGLALAGAY ng closed-circuit television (CCTV) sa mga lugar na daraaanan ng prosisyon  ng Black Nazarene sa Enero 9 sa Maynila.

Ayon sa organizers ng aktibidad, makakatulong umano sa mga awtoridad ang ilalagay na CCTV para sa seguridad ng milyong deboto na dadagsa sa nasabing pagdiriwang.

Gayunamn, pinaalalahan naman ng organizers  ang mga deboto na huwag nang magdala ng mga mahahalagang  gamit tulad alahas at cellphone lalo pa’t siksikan ang mga tao sa nasabing araw.

Pinayuhan din ang mga deboto na huwag nang isama ang kanilang mga anak at maging mga buntis sa prosisyon upang hindi na maipit at masaktan pa sa dami ng tao.

Kaugnany nito, umapela naman ang MPD sa mga lalaking deboto na iwasang dumalo sa prosisyon na nakainom upang masiguro na walang kaguluhang magaganap.

Kabilang sa linya ng pagdiriwang ang vigil sa Quiapo Grandstand at prosisyon sa paligid ng simbahan na magtatapos din sa Quiapo church. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply