CDO City evacuee, nilaslas ang sariling leeg

ISANG 33-anyos na lalaking evacuee sa Cagayan de Oro City ang nagpatiwakal kaninang pasado alas 3:00 ng hapon.

Nangyari ang insidente sa mismong evacuation center sa City Central School.

Ayon sa mga nakakita, nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng paghiwa sa sariling leeg nang ilang beses.

Lumalabas na unang nilaslas ng lalaki ang kanyang tiyan at nang nagtangkang tumulong ang kanyang pamangkin at isa pang evacuee ay nagpupumiglas ito at nagtangka pa silang saktan.

Dahil dito, lumayo ang mga nagnais tumulong at doon na hiniwa ng lalake ang kanyang leeg ng maraming beses gamit ang isang kutsilyo.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply