CEAP tatalakayin ang K+12 program

TATALAKAYIN ng mga kinatawan ng mga pribadong Catholic school sa bansa ang gagawin nilang preparasyon hinggil sa Kindergarten to 12th grade (K+12) program ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), magdaraos sila ng isang national summit sa K+12 basic education curriculum sa Marian Auditorium sa Miriam College sa Katipunan, Quezon City sa Enero 12.

Alinsunod sa K+12 program, ang national basic education curriculum ay palalawigin ng mula sampu (10) hanggang 12 taon simula sa susunod na school year.

Ayon sa mga organizer ng summit, layunin nito na i-update ang mga pribadong paaralan sa programa at mabigyan ng plataporma para sa sharing at discussion ng mga paaralan sa mga isyu ng transisyon, gastusin, curriculum at iba pa.

“It will also be a venue for sharing actions and strategies towards the transition to K+ 12 from basic education schools, and hopes to identify issues, concerns and recommendations that may be addressed by CEAP as a national association and by its regional units,” anang mga organizer.

Una nang sinabi ng DepEd na handang-handa na silang ipatupad ang K+12 program sa buong bansa sa susunod school year matapos na aprubahan ang kanilang budget increase.

Naniniwala ang DepEd na makatutulong ang programa para mapabuti ang competency ng mga estudyante sa mga asignatura ng English, Mathematics at Science.

Higit rin anila na maihahanda ang isang mag-aaral sa sa kanilang pagpasok sa kolehiyo.

Hanggang sa ngayon ang Pilipinas ay isa sa dalawang bansa sa buong mundo na may 10-year basic education curriculum, kasama ang bansang Myanmar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply