Cellphone, gadgets bawal gamitin sa impeachment court

MAHIGPIT na ipagbabawal ng Senado ang paggamit ng cellphone at iba pang maiingay na gadgets sa paglilitis ng impeachment court kay Chief Justice Reanto Corona na sisimulan sa Lunes, Enero  16, 2012.

Sinabi ni Sergeant-at-Arms M.Gen. Jose Balajadia, na hindi pahihintulutan ang sinumang manonood o bisita sa impeachment court na gumamit ng cellphone o anumang uri ng gadget na makaka-istorbo sa paglilitis.

Ngunit, nilinaw ni Balajadia na puwedeng gumamit ng cellphone ang miyembro ng media sa loob ng session hall, ngunit kailangan naka-silent mode upang hindi makalikha ng ingay habang nasa sesyon ng impeachment court.

“Puwedeng gumamit ng cellphone ang mga miyembro ng media sa loob ng session hall habang on going ang impeachment hearing, pero dapat ay naka-silent mode ito, at gagamitin lamang sa pagte-text at hindi sa pagtawag,” ayon kay Balajadia.

Nabatid pa sa retiradong heneral na bawal lumikha ng ingay ang sinuman sa loob ng session hall maliban sa mga involve sa impeachment trial tulad ng witness, senator-judges, prosecution panel at defense panel.

Hindi rin pahihintulutan ang paggamit ng cellphone o ipad sa miyembro ng media upang kumuha ng video footage o litrato sa loob ng session hall habang isinasagawa ang paglilitis.

Samantala, aabot lamang sa 175 audience ang maaaring tanggapin sa loob ng session hall at mula sa bilang na ito, 25 naman ang upuan na nakalaan para sa senior citizens.

Anang opisyal, kailangan lamang na kumuha ng passes ang mga nais na makasaksi sa paglilitis sa Office of the Sergeant-at-Arms, at ito ay batay sa first come-first serve basis.

Nakatakdang magsimulang mamahagi ng passes sa publiko mula alas-onse ng tanghali hanggang alas-dose ng tanghali.

Sisimiulan ang pagpapapasok sa audience sa session hall pagkatapos ng naturang itinakdang panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply