Cellphone signal sa Quiapo area pinutol

INIUTOS ng gobyerno ang pansamantalang pagputol ng mga signal ng cellphone sa telecommunications company sa Quiapo area sa Maynila.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Nicanor Bartolome, ito ang pinakamabilis at pinaka-garantisadong paraan upang maiwasan ang pinangangambahang paghahasik ng terorismo kasabay ng traslacion ng Black Nazarene.

Ayon pa sa pahayag ni Bartolome, sa ilalim ng General Welfare Act, gagawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan para maprotektahan ang kapakanan ng mga mamamayan.

Nabatid pa na anim hanggang siyam na terorista mula sa Mindanao ang naispatan sa Metro Manila mula pa Agosto hanggang Setyembre, noong nakaraang taon bagama’t hindi pa masabi kung saang grupo sila nabibilang.

Dahil sa naturang banta, mula sa orihinal na 4,000, halos 8,000 pulis na ang ipinakalat ng PNP sa buong Maynila.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply