Central Mindanao inalerto sa bomb plot

DAHIL sa mga nadiskubreng bomb plot ng militant group na isang senyales ng paghahasik ng karahasan, ikinasa na ng awtoridad sa high alert ang Central Mindanao kaninang umaga.

Sinabi ni Director Felicisimo Khu, hepe ng Directorate for Integrated Police Operation (DIPO) sa Western Mindanao, lumabas sa intelligence report na ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na pinangungunahan ni Basit Usman ang nasa likod ng bomb plot.

Si Usman na sinasabing bihasa at sinanay sa paggawa ng bomba ng Jemaah Islamiyah (JI) ay sinisisi sa nakaraang serye ng bomb attack sa Central Minda­nao.

Ibinunyag pa ni Khu na ang grupo ni Usman ay nagplanong magkasa ng pambobomba noong nakaraagh Kapaskuhan.

“At the start of year, an intel report was received that the bombing plan would be executed on Jan. 4 or 5. Thus all PNP (Philippine National Police) units to include the JTF (Joint Task Force) Gensan were put on high alert,” pahayag ni Khu.

Ang pag-aalerto aniya sa seguridad ang dahilan kaya narekober ang isang improvised explosive device sa Barangay Magon, Tantangan town, South Cotabato nitong nakaraang Linggo. Ang IED aniya ay layong pasabugin ang isang passenger bus sa General Santos City.

Sinabi rin ni Khu na ang IED na itinanim naman na malapit sa isang commercial building sa Naranjita street sa Barangay Dadiangas South, General Santos City ay narekober din ng isang security guard dakong alas-2:00 ng hapon noong araw ng Linggo (Enero 8).

Inilagay aniya ang bomba sa loob ng isang 1.5 liter na soda plastic bottle na ibinalot sa isang plastic bag.

Sinabi ni Khu na ang bomba ay markado o gawa umano ng Bangsamoro Youth Movement at Bangsamoro Independence Movement.

Nabulilyaso ng awtoridad ang mga nasabing bomb plot habang nagpalabas muli ang US government ng kanilang travel warning sa Pilipinas at sinabing may terrorist attack na magaganap sa Mindanao.

Siniguro naman ni Khu na mananatili silang naka-alerto pero hinikayat din nito ang publiko na manataling maging mapagmanman sa kani-kanilang paligiran. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply