Cezar Mancao inilipat na sa NBI – de Lima

IPINAHAYAG ni Justice Secretary Leila De Lima na inilipat na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kustodiya kay dating Police Superintendent Cezar Mancao.

Ito ay matapos ibasura ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 18, Acting Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ang petisyon ni Mancao na maging state witness sa kaso ng PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito double murder case.

Nabatid kay De Lima, ang estado na lamang ni Mancao sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ang kanilang aaksyunan.

Hinihintay na lamang ni WPP Director Martin Menez ang komento kaugnay ng estado ni Mancao mula sa National Prosecution Service partikular na mula sa panel na humahawak ng kaso.

Paliwanag pa ni De Lima na lumalabas na wala nang saklaw o hurisdiksyon ang WPP kay Mancao dahil lumilitaw na siya ay isa na sa mga akusado matapos mabasura ang kanyang petisyon na maging state witness.

Bilang interim measure, inilipat muna si Mancao sa NBI dahil maaaring makwestiyon ang WPP kung patuloy nilang ilalagay sa kanilang pangangalaga ang naturang dating opisyal ng PNP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply