Charice, Jinkee at Valerie, nilampaso ni KC sa bentahan

TUWANG-TUWA raw ang pamunuan ng Rogue Magazine dahil sa magandang benta ng kanilang magazine.

Hindi sila nagkamali sa pagkuha kay KC Concepcion bilang cover model nila for the month of January.

Nilampaso raw sa bentahan ang ilang fashion magazine na naging pabalat sina Charice Pempengco, Jinkee Pacquiao, Valerie Concepcion, Sam Pinto at Ellen Adarna.

Kaiba kasi ang dating ni KC. Bago sa kanilang panlasa. Bagama’t nakahubad na siya, hindi bastusin ang dating.

Hindi katulad ng iba na pinagtatawanan dahil sa sandamakmak na make-up, minadyik ng photoshop at kung anik-anik pang retoke. Si KC ay natural. Walang binago sa kanya. Tunay na ganda niya ang lumabas.

Itong kuhang ito ng dalaga na nakikita ninyo ngayon sa pahinang ito ay makikita na sa lahat ng social network sites specially sa Facebook. Ilang friends namin ang nagpadala nito sa amin.

***

Jake at Bangs magkasamang nakaluhod sa simbahan

SERYOSOHAN na ba itong relasyon nina Jake Cuenca at Bangs Garcia. Nakita kasi ng source namin ang dalawa na magkasama sa isang simbahan sa Greenhills na seryosong nagdarasal at nakaluhod pa raw. Ano kaya ang hinihingi nila sa Dios, na sana’y magtagal ang kanilang pagsasama?

Pagkatapos daw ng pagdarasal ay go naman ang dalawa sa mall. Aba, todo ang bonding nila sa isa’t isa, huh! At ayon sa paga-analisa ng aming kausap, halatang may magandang unawaan na ang dalawa.

Well, pareho naman silang libre sa buhay. Ewan lang natin kay Jake, baka may maghabol na bading.

Hahaha! Eh, paano naman ‘yung isang aktres na may kaitiman hindi ba’t sobrang el daw nun sa aktor?

***

Kilalanin si Mark Anthony Barriga sa ‘The Bottomline with Boy Abunda’

KILALANIN bukas (Sabado, Enero 28) sa “The Bottomline with Boy Abunda” ang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa 2012 London Olympics, ang amateur boxer na tubong Davao del Norte na si Mark Anthony Barriga.

Kuwento ng tapang, pagpupunyagi, at tagumpay ang ibabahagi ng ni Mark, lalo na ang mga hindi malilimutang karanasan bago marating ang pangarap na maging Olympian sa edad na 18.

Aniya, “Bata pa lamang ako hilig ko na ang boxing. Parte na siya ng buhay at pangarap ko. Kaya nga masaya akong natupad ko nang maging isang Olympic player.”

Puno ng pag-asa ang batang boksingero na mabigyang karangalan ang Pilipinas at makasungkit ng medalya sa flyweight divison ng Olympics. “Sawa na ang Pilipinas sa bronze at silver, kaya gusto ko sana ‘yung gold na. Kahit kinakabahan ako, mas gusto kong ikondisyon ang sarili ko para mas pagbutihan pa,” pahayag ni Mark.

Alamin ang saloobin ng bagong pambato ng Pilipinas sa larangan ng boxing, ang kanyang opinyon sa mga Pilipinong boksingero, at ang matapang niyang pagharap sa nalalapit na 2012 London Olympics. Tutukan rin ang pambihirang pagkakataon na mapanood si Asia’s King of Talk na si Boy Abunda na magboksing sa tulong ni Mark.

Huwag palampasin bukas ng gabi, 11:30 p.m., ang Asian TV Awards’ Best Talk Show for 2011 ang “The Bottomline with Boy Abunda,” pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.como sundan and abscbndotcom sa Twitter.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply