Charice umuwi ng Pinas na naka-wheelchair

NASA Pinas ngayon si international singing sensation Charice na ginulat ang media na naantabay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang dumating siyang naka-wheelchair

Ayon sa bantang singer, nabalian siya ng buto partikular na ang kanyang hinliliit dahil sa pag-i-skateboarding sa Los Angeles noong Pasko.

“Actually nangyari po siya ng Pasko dahil ako ay malikot. Nag-i-skateboard ako at nahulog ako dahil iniwasan ko ang isang sasakyan na nandoon lang. Nagulat kasi ako. Iiwasan ko sana kaya lang nag-panic ako kaya nadulas ang skate board at nag-crack ang isang buto sa hinliliit,” pahayag ni Charice sa isang panayam.

Ikinuwento rin ni Charice sa mga mamamahayag, na kailangan niyang mag-wheelchair at gumamit ng saklay sa loob ng anim na linggo upang tuluyang gumaling.

Balik-Pinas ngayon si Charice para sa ika-40 kaarawan ng kanyang Mommy Raquel na ang pagdiriwang ay gaganapin sa kanilang bahay sa Cabuyao, Laguna sa Enero 14.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply