Child pornography sa bansa, tumitindi na

NABABAHALA na ang pamunuan ng  Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa patuloy na paglala ng problema ng child pornography sa bansa.

Ayon kay Police Senior Superintendent Emma Libunao,  ng Women and Children’s Protection Division ng CIDG, dumarami na  ang nagbebenta ng mga pornographic VCD at DVD na mga kabataan ang ipinakikitang nagtatalik.

Ito ay matapos silang magsagawa ng raid sa Coastal Mall sa Parañaque City.

Layunin lang sana ng mga awtoridad na hulihin ang mga nagbebenta ng sex video nina Ramgen Revilla at Janelle Manahan pero bumulaga sa kanila ang iba’t ibang titulo ng child pornography na ibinebenta sa naturang mall.

Bagama’t may mga nadampot silang nagbebenta ng mga ito, kinuyog naman sila ng mga tindero at tindera sa lugar kaya nagpasya silang dalhin na lamang ang mga nakuhang ilegal na produkto.

Ayon pa kay Libunao, aabot sa P1 milyon ang multa at posibleng makulong ng 10 taon ang sinumang mahuhulihan ng mga child pornographic material na paglabag sa Republic Act 9775 o Anti-Child Pornography Act of 2009. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply