Chinese tepok sa saksak

NAMATAY ang isang Chinese national matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa Roxas Boulevard, Maynila.

Ang pananaksak ay nakunan pa ng closed-circuit television (CCTV) camera sa hindi pa kiilalang biktimang na may taas na 5’2, nakasuot ng jacket na gray, itim na t-shirt at jogging pants.

Nakuha sa pag-iingat ng biktima ang isang cellphone ngunit hindi mabuksan ng mga pulis dahil mayroon itong password.

Sinasabing huminto sa tapat ng museo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang isang sasakyan na may plakang XAY-741 kung saan bumaba ang biktima at hindi kilalang suspek.

Nagkaroon muna ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa pagsasaksakin ang biktima.

Nakuha naman sa crime scene ang isang kitchen knife habang patuloy namang inaalam kung sino ang may-ari ng nasabing sasakyan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply