Chop-chop na katawan ng 2 magsasaka natagpuan

DALAWANG chop-chop na katawan ng magsasaka kabilang ang isa na pinugutan ng ulo ang natagpuan sa Barangay Tuyan, Malapatan, Sarangani Province.

Sa report, ang pinugutan na biktima ay kinilalang si Ugon Cayona, 54, residente ng nabanggit na barangay.

Ayon kay Police Officer 2 Alberto Pahiluga, imbestigador ng kaso, isang magsasaka rin na kinilalang si Marbawiya Jarid ang nakakitang chop-chop ang katawan na itinapon sa isang damuhan sa nasabi ring barangay.

Agad namang humingi ng saklolo sa mga awtoridad ang mga residente para makuha ang itinapong katawan.

Bigo naman ang mga awtoridad at maging ang mga tanod na mahanap ang ulo ng biktimamg si Cayona

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na pinagbibintangan ang biktima na lumason sa mag-asawang B’laan na nakatira sa kabilang barangay.

Paghihiganti ngayon ang tinitingnang anggulo ng mga awtoridad at sinasabing sa tradisyon ng tribung B’laan, ang suspect sa pagpatay ay inililibing din sa tabi ng kanyang pinatay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply