Cityhood ng Cabuyao, aprub na

PORMAL nang inaprubahan ng Senado ang panukalang gawing lungsod ang Cabuyao, Laguna upang tuluyan nang umunlad ang naturang lugar.

Sinabi ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., walang tumutol sa cityhood ng Cabuyao na House Bill No. 4259 o ang  “An Act Converting the Municipality of Cabuyao in the Province of Laguna into a component city to be known as the City of Cabuyao.”

Umabot 18 senador ang bomoto ng pabor at walang tumutol.

Base sa batas, binigyan ng eksklusibong pribelihiyo ang City of Cabuyao sa pagtatakda ng lahat ng gawain sa paglilinang ng kanilang tubigan sa nasasakupan.

Alinsunod sa Article IV Section 11 ng batas, nakatakda na nagsasabing  “the City of Cabuyao the exclusive privilege of constructing fish corrals or fish pens or the taking or catching or bagus fry, prawn fru or kawag-kawag, or fry of any species or fish within the city waters.”

Maliban na lamang kung ibabasura ni Pangulong Benigno Aquino III, magiging epekto ang batas 15 araw matapos mailathala sa official gazette.

Noong nakaraang taon, inaprubahan din ng Senado ang cityhood ng Imus at Bacoor. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply