CJ Corona binuweltahan ng Malakanyang

BINALIKAN ni Pangulong Benigno Aquino III si Chief Justice Renato Corona sa kanyang pinakahuling mga paratang sa pagsalang nito sa impeachment trial kanina.

Ayon sa akusasyon ni Corona, gumaganti lang aniya ang Malakanyang sa Korte Suprema dahil sa desisyon niyang ipamahagi ang lupain ng Hacienda Luisita Incorporated (HLI) sa mga magsasaka nito.

Ayon naman kay Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte, walang kinalaman ang naturang desisyon sa impeachment case ni Corona.

Isinasalang aniya ang punong mahistrado sa impeachment trial upang papanagutin sa mga mali nitong ginawa.

Dagdag pa ni Valte na mismong ang pamahalaan sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG) at Department of Agriarian Reform (DAR) ang naghain ng motion for reconsideration laban sa ipinatutupad na stock distribution option (SDO) ng HLI.

Dahil dito, makikita aniya ang totoong posisyon ng Malakanyang sa SDO na kinatigan naman ng Korte Suprema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply