CJ Corona durog sa 2 testigo sa condo

DUROG si Chief Justice Renato Corona sa dalawang testigo sa impeachment court matapos ilantad ang ilang dokumento na magpapatunay na bumili ang punong mahistrado ng maluluhong condominium units sa Taguig at Makati City.

Sa presentasyon ng testigo kanina, inilantad ni Atty. Constante Caluya Jr.,  sa impeachment court ang Certificate of Condominium Title (CCT) at orihinal na Certificate Authorization of Registration mula sa  Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagbayad ng buwis mula sa halagang P3.5 million.

Tinukoy ni Caluya ang ari-arian ni Corona ang Unit No. 31, na may 48square meters na sukat, isang slot sa parking lot sa halagang P3,588,931.82.

Kasabay nito, inilantad din ng House panel si Aniceto Bisnar Jr., senior vice president ng Ayala Land na nagsumnite din sa impeachment Court ng ilang dokumento sa pagbili ni Corona ng isang unit sa Spanish Ridge Tower sa Bonifacio Global City.

Sinabi ni Bisnar sa impeachment couert na bumili ang mag-asawang Corona ng isang yunit partikular ang unit 1902 sa Spanish Bay Tower na binayaran noong Marso 31, 2004 na matatagpuan sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Isinumite ni Bisnar sa impeachment court ang Absolute Deed of Sales na binayaran sa halagang  P9,954,940.00 at nagbayad ng buwis sa halagang P915,944,00, Provisional Receipts, tatlong  Official receipts sa halagang f P297,007.07 bawat is, ang Buer’s  Information Sheet, at Certificate of Authorization for Registration (CAR).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply