Clerk of court inutusan na ilabas ang kopya ng SALN ni Corona

INUTUSAN ng Impeachment Court si Clerk of Court Enriqueta Vidal na ilabas ang kopya ng statement of assets and liabilities and net worth (SALN) ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ay upang malinawan na ang nakasaad dito at matuldukan na ang isyu ukol sa mga tagong yaman ng punong mahistrado.

Gayunman, kahit na dala ni Vidal ang kopya ng SALN ni Corona ay hiniling muna niya sa Impeachment Court na kanya munang ipagpapaalam ito sa Korte Suprema.

Humingi rin ng authorization si Vidal sa Impeachment Court upang makapaglabas ng kopya ng SALN ni Corona.

Sa kasalukuyan ay ginigisa ng Impeachment Court si Vidal dahil sa kabila na dala nito ang kopya ng SALN ni Corona ay tumanggi pa rin itong ipakita ang nasabing dokumento.

Iginiit din ng ilang senator/judges na hindi nila hinihiling kundi iniuutos na ibigay ang kopya ng SALN upang mapabilis ang proseso ng paglilitis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply