Clerk of court ng SC unang isinalang na testigo ng prosekusyon

ISINALANG ngayon ng House prosecution panel ang unang testigo nila para sa Article 2 ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa Article 2, nakasaad ang hindi tamang pagdedeklara ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Corona, kung saan nabatid na mayroong 45 properties ang punong mahistrado sa Metro Manila kasama na ang ilang condominium sa Taguig.

Unang isinalang si Atty. Enriqueta Vidal, ang clerk of court ng SC na tinanong ng lead private prosecutor na si Atty. Mario Bautista.

Si Vidal ang tumatanggap ng SALN ng lahat ng mahistrado ng Korte Suprema.

Kaugnay nito, pinangaralan naman ni Senate President Juan Ponce Enrile si Atty. Bautista kaugnay sa tamang pamamaraan ng pagtatanong sa testigo.

Layunin umano ni Enrile na ituwid ang paraan ng pagtatanong ni Bautista, lalo’t mistulang ang testigong si Vidal na ang ini-impeach sa proseso ng abogado para tanungin ito sa usapin ng SALN ng punong mahistrado.

Inamin naman ni Vidal na dala niya ang mga dokumentong kailangan ngunit ipagpapaalam muna niya sa korte dahil bawal umano ito sa patakaran ng kanilang tanggapan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply