‘Clerk of court walang dapat ipangamba’– SC spokesperson

WALANG umanong dapat na ipangamba si Supreme Court Clerk of Court Enriquetta Vidal sa posibilidad na mapatawan siya ng sanction matapos lumabag sa umiiral na panuntunan ng kataas-taasang hukuman, kaugnay sa pagsasapubliko ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni SC Spokesman Jose Midas Marquez, na mismong ang chief justice ang nagbigay ng pahintulot sa pagpapalabas ng nasabing mga dokumento.

Ani Marquez, walang balak si Corona na itago sa publiko ang kanyang SALN.

Ito aniya ay mapapatunayan sa hindi pagpigil ni Corona kay Vidal na dalhin sa Impeachment Court ngayong araw ang mga nabanggit na dokumento.

Nangangamba naman si Corona sa posibilidad na gamitin ang nasabing dokumento para sa “fishing expedition” ng prosecution.

Bago ito, mismong si Impeachment Court Presiding Judge, Senate President Juan Ponce Enrile ang umapela sa punong mahistrado na huwag parusahan si Vidal sa pagsusumite nito ng kopya ng SALN (ni Corona).

Ang apela ay ginawa ni Enrile makaraang pangambahan na baka mawalan ng trabaho si Vidal matapos na labagin nito ang umiiral na kautusan sa SC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply