‘Climate change’ isasama sa curriculum – DepEd

ISASAMA na sa curriculum ng mga mag-aaral sa elementarya at high school   ang pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan.

Ito ang inihayag ni Education Secretary Armin Luistro kung saan dapat aniyang maipabatid sa bawat estudyante ang kahalagahan ng kalikasan.

Ayon kay Luistro, isasama sa subject na Science at Araling Panlipunan ng mga mag-aaral sa elementary at secondary education ang curriculum na “climate change.”

Sinabi ng Department of Education (DepEd) na tututukan sa pagtuturo sa mga mag-aaral  kung papano higit na mapapangalagaan ang  kalikasan upang makaiwas sa malalang climate change na nararanasan ngayon at kung papaano maibsan ang epekto nito  at ang karampatang paghahanda. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply